Pangulo Bilang Pinuno

Sa bawat anim na taong nagdaraan, bawat isa sa ating mga Pilipino ang sumusugal na itiman ang bilog sa balota, sa pag-asang sa pamamagitan nito ay maihahalal sa posisyon ang nararapat na pinuno na hindi magiging bingi sa mga hinaing ng sinumpaan nitong bayan. Ngunit sa bawat administrasyong dumaraan ay bigo at pagkadismaya lamang ang nararamdaman ng mga mamamayang Pilipino sapagkat hindi natutugunan ng mga pinunong ito ang mga gampanin at katangian na inaasahan sa kanila ng kanilang nasasakupan na dapat nilang taglayin.

Ngunit ano nga ba ang mga katangiang ito na hindi nasumpungan ng mga mamamayang Pilipino sa mga nagdaang pinuno ng mga nakaraang administrasyon?

May Prinsipyong Moral

Base sa mga nakaraang survey ng PhilStar noong eleksyon 2010, isa sa mga katangiang inaasahan ng mga mamamayan sa susunod na pangulo ay dapat na ito ay may prinsipyong moral. Kung susuriin natin ngayon ang kasalukuyang administrayong Duterte, sa unang taon pa lamang na panunungkulan ng Pangulong Duterte ay naharap na agad sa kontrobersiya ang kaniyang kampanya kontra droga.

Sa kasagsagan ng kampanyang ito ay libo-libong bilang ng mga di umano’y gumagamit ng droga ang mga namatay nang hindi man lamang humarap sa korte upang depensahan ang kanilang mga sarili. Dahil dito, kinundena hindi lamang ng CHR at ng simbahang Katolika kundi pati na rin ng HRW ang mga nagaganap na patayan at kawalan ng hustisya sa mga taong sangkot dito at sinabing ito daw ay isang uri ng extrajudicial killing. Ngunit mariing pinabulaanan ito ng mga pulis at sinabing walang kahit anong kaso ng extrajudicial killings ang naganap simula ng kampanya kontra droga.

Kung pagbabasehan ang mga kaganapang ito, maraming tao ang nagsasabing hindi taglay ng Pangulo ang ganitong katangian sapagkat pinagkakaitan niya ng karapatang pantao ang mga taong sangkot sa kaniyang kampanya kontra droga. Mahalaga na taglayin nang isang Pangulo ang ganitong katangian sapagkat isa sa kanilang responsibilidad na siguruhing hindi naipagkakait sa mga mamamayan ang mga karapatang nararapat sa kanila.

Pagsagawa Ng Mabuting Pamamahala

Noong ika-4 ng oktubre 2017, si Pangulong Rodrigo Duterte ay lumikha ng isang Presidential Anti-Corruption Commission isang linggo matapos ang pagbabanta upang siyasatin ang Opisina ng Ombudsman na tumitingin sa mga paratang na siya ay may nakuha na yaman.

Ayon sa Executive Order No. 43, na inilabas sa publiko noong ika-5 ng oktubre 2017, ang Opisina ng Pangulo ay nangangailangan ng isang hiwalay na komisyon na “tanging nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa Pangulo sa pagsisiyasat at pagdinig ng mga kasong administratibo at reklamo, at sa paggawi ng mga tseke sa pamumuhay at / o mga pagtuklas sa katunayan tungkol sa mga itinalagang presidential appointees at iba pang mga pampublikong opisyal na sinasabing nauugnay sa mga graft at corrupt practices. ”

Mahalaga sa isang Pangulo na magsagawa ng mabuting pamamahala sa kaniyang bayang nasasakupan tulad na lamang ng pagpapatupad ng batas na naglalayong puksain ang kurapsyon nang sa gayon ay mas maging maayos at maunlad ang ating bansa.

Handang Maglingkod Sa Bayan

Isa sa mga itinuturing na nagampanan ang katangiang ito ay si Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Sr. mas kilala sa kanyang pagdidiklara nang Martial Law sa panahong (ika-21 ng Setyembre, taong 1972) noong siya ang namumuno ng bansa. Ngunit siya ay napatalsik ng pwesto sa papamigitan ng lakas pagkakaisa ng bawat tao sa Pilipinas(People Power Revolution). Ngunit ang hindi natin nakikita mga Pilipino may mga magaganda nagawa ang Pangulong Marcos sa bansa.

Ilan sa mga proyektong nagawa ng dating Pangulong Marcos sa ating bansa ay: pagsasaayos ng imprastraktura, kuryente, tubig, pagpapatatag ng sistema ng hudikatura at ng sandatahang lakas, paglaban sa kriminalidad at kurapsyon ang tinutukan niyang mga proyekto at marami pang iba.

Kailangan natin ng ganitong uri ng Presidente na handang maglingkod sa bayan na katulad ni dating Pangulong Marcos dahil maaasahan ito sa pagpapaunlad ng Pilipinas.

 

Para sa kasalukuyan at mga susunod pang mamumuno sa bansa, base sa aming sariling opinion, ay nararapat lamang na magtaglay ng ganitong uri ng katangian. Dahil naniniwala kami na ang ganitong uri ng pinuno ay mas higit na magiging responsible sa kaniyang mga magiging desisyon at sa kaniyang nasasakupan. Ngunit higit ano pa man, ang isang pinuno ay hindi dapat magbingi-bingihan sa palahaw nang kaniyang nasasakupan at maging matatag sa panahon ng kagipitan upang maging lakas ng mga taong nawawalan nang pag-asa.